20 Iligtas mo ako sa talim ng tabak,at sa mga asong sa aki'y gustong kumagat.
21 Sa bibig ng mga leon ako'y iyong hanguin,sa sungay ng mga toro ako ay iyong sagipin.O Yahweh, panalangin ko sana'y dinggin.
22 Mga ginawa mo'y ihahayag ko sa aking mga kababayan,sa gitna ng kapulungan ika'y papupurihan.
23 Kayong lingkod ni Yahweh, siya'y inyong purihin!Kayong lahi ni Jacob, siya'y inyong dakilain,bayan ng Israel, luwalhatiin siya't sambahin!
24 Mga dukha'y di niya pinababayaan at hinahamak,hindi siya umiiwas sa humihingi ng paglingap;sinasagot niya agad ang mga kapus-palad.
25 Ginawa mo'y pupurihin sa dakilang kapulungan,sa harap ng masunurin, mga lingkod mong hinirang,ang panata kong handog ay doon ko iaalay.
26 Ang naghihikahos ay sasagana sa pagkain,mga lumalapit kay Yahweh, siya'y pupurihin.Maging sagana nawa sila at laging pagpalain!