8 Sabi nila, “Nagtiwala siya kay Yahweh; hayaang iligtas siya nito.Kung talagang mahal siya nito,darating ang kanyang saklolo!”
9 Noong ako ay iluwal, Ikaw, O Diyos, ang patnubay,magmula sa pagkabata, ako'y iyong iningatan.
10 Mula nang ako'y isilang, sa iyo na umaasa,mula nang ipanganak, ikaw lang ang Diyos na kilala.
11 Huwag mo akong lilisanin, huwag mo akong iiwanan,pagkat walang sasaklolo sa papalapit na kapahamakan.
12 Akala mo'y mga toro, ang nakapaligid na kalaban,mababangis na hayop na galing pa sa Bashan.
13 Bibig nila'y nakabuka, parang mga leong gutom,umuungal at sa aki'y nakahandang lumamon.
14 Parang natapong tubig, nawalan ako ng lakas,ang mga buto ko'y parang nagkalinsad-linsad;pinagharian ang dibdib ko ng matinding takot,parang kandila ang puso ko, natutunaw, nauubos!