1 Si Yahweh ang aking pastol, hindi ako magkukulang;
2 pinapahimlay niya ako sa luntiang pastulan,at inaakay niya sa tahimik na batisan.
3 Pinapanumbalik ang aking kalakasan,at pinapatnubayan niya sa tamang daan,upang aking parangalan ang kanyang pangalan.
4 Dumaan man ako sa madilim na libis ng kamatayan,wala akong katatakutan, pagkat ika'y aking kaagapay.Ang tungkod mo at pamalo, aking gabay at sanggalang.