2 pinapahimlay niya ako sa luntiang pastulan,at inaakay niya sa tahimik na batisan.
3 Pinapanumbalik ang aking kalakasan,at pinapatnubayan niya sa tamang daan,upang aking parangalan ang kanyang pangalan.
4 Dumaan man ako sa madilim na libis ng kamatayan,wala akong katatakutan, pagkat ika'y aking kaagapay.Ang tungkod mo at pamalo, aking gabay at sanggalang.
5 Ipinaghahanda mo ako ng salu-salo,na nakikita pa nitong mga kalaban ko;sa aking ulo langis ay ibinubuhos,sa aking saro, pagpapala'y lubus-lubos.
6 Kabutiha't pag-ibig mo sa aki'y di magkukulang, siyang makakasama ko habang ako'y nabubuhay;at magpakailanma'y sa bahay ni Yahweh mananahan.