2 Itinayo niya ang daigdig sa ibabaw ng karagatan,inilagay ang pundasyon sa mga tubig sa kalaliman.
3 Sa burol ni Yahweh, sinong nararapat umahon?Sa banal niyang Templo, sinong dapat pumaroon?
4 Ang taong malinis ang buhay pati ang isipan,hindi sumasamba sa mga diyus-diyosan;at hindi sumusumpa ng kasinungalingan.
5 Bibigyan siya ni Yahweh ng pagpapala't kaligtasan,ipahahayag siya ng Diyos na walang kasalanan.
6 Ganoon ang mga taong lumalapit sa Diyos,silang dumudulog sa Diyos ni Jacob. (Selah)
7 Buksan n'yong mabuti ang mga tarangkahan,buksan ninyo pati mga lumang pintuan,at ang dakilang hari'y papasok at daraan.
8 Sino ba itong dakilang hari?Siya si Yahweh na malakas at makapangyarihan,si Yahweh, matagumpay sa labanan.