4 Ituro mo sa akin, Yahweh, ang iyong kalooban,at ang iyong landas, sa akin ay ipaalam.
5 Turuan mo akong mamuhay ayon sa katotohanan,sapagkat ikaw ang Diyos ng aking kaligtasan;sa buong maghapo'y ikaw ang inaasahan.
6 Alalahanin mo, Yahweh, ang pag-ibig mong wagas,na ipinakita mo na noong panahong lumipas.
7 Patawarin mo ako sa aking mga kasalanan, sa mga kamalian ko noong aking kabataan;ayon sa pag-ibig mong walang katapusan,ako sana, Yahweh, ay huwag kalimutan!
8 Si Yahweh ay mabuti at siya'y makatarungan,itinuturo niya sa makasalanan ang tamang daan.
9 Sa mapagpakumbabá siya ang gumagabay,sa kanyang kalooban kanyang inaakay.
10 Tapat ang pag-ibig, siya ang patnubay,sa lahat ng mga taong sumusunod, sa utos at tipan siya'ng sumusubaybay.