8 Si Yahweh ay mabuti at siya'y makatarungan,itinuturo niya sa makasalanan ang tamang daan.
9 Sa mapagpakumbabá siya ang gumagabay,sa kanyang kalooban kanyang inaakay.
10 Tapat ang pag-ibig, siya ang patnubay,sa lahat ng mga taong sumusunod, sa utos at tipan siya'ng sumusubaybay.
11 Ang iyong pangako, Yahweh, sana'y tuparin,ang marami kong sala'y iyong patawarin.
12 Ang taong kay Yahweh ay gumagalang,matututo ng landas na dapat niyang lakaran.
13 Ang buhay nila'y palaging sasagana,mga anak nila'y magmamana sa lupa.
14 Sa mga masunurin, si Yahweh'y isang kaibigan,ipinapaunawa niya sa kanila, kanyang kasunduan.