2 Purihin ang kanyang maluwalhating pangalan,sambahin si Yahweh sa banal na kaayusan.
3 Tinig ni Yahweh'y naririnig sa ibabaw ng dagat,ang dakilang Diyos ay nagpapakidlat,umaalingawngaw at naririnig ng lahat.
4 Tinig ni Yahweh'y makapangyarihan,at punung-puno ng kadakilaan.
5 Maging mga punong sedar ng Lebanon,sa tinig ni Yahweh, mawawasak ang mga iyon.
6 Parang guyang pinalulundag niya ang mga bundok ng Lebanon,parang torong pinalulukso niya ang Bundok Hermon.
7 Dahil sa tinig ni Yahweh, kidlat ay gumuguhit.
8 Kapag siya'y nagsalita, disyerto'y nayayanig;inuuga niya pati ang ilang ng Kades.