1 Huwag kang mabalisa dahil sa masama;huwag mong kainggitan liko nilang gawa.
2 Katulad ng damo, sila'y malalanta,tulad ng halaman, matutuyo sila.
3 Umasa ka sa Diyos, ang mabuti'y gawin,at mananahan kang ligtas sa lupain.
4 Kay Yahweh mo hanapin ang kaligayahan,at ang pangarap mo'y iyong makakamtan.
5 Ang iyong sarili'y sa kanya italaga,tutulungang ganap kapag ika'y nagtiwala.
6 Ang kabutihan mo ay magliliwanag,katulad ng araw kung tanghaling-tapat.