5 Ang iyong sarili'y sa kanya italaga,tutulungang ganap kapag ika'y nagtiwala.
6 Ang kabutihan mo ay magliliwanag,katulad ng araw kung tanghaling-tapat.
7 Sa harap ni Yahweh ay pumanatag ka, maging matiyagang maghintay sa kanya;huwag mong kainggitan ang gumiginhawa,sa likong paraan, umunlad man sila.
8 Huwag kang mapopoot ni mababalisa, iyang pagkagalit, iwasan mo sana;walang kabutihang makakamtan ka.
9 Ang nagtitiwala kay Yahweh, mabubuhay, ligtas sa lupain at doon tatahan,ngunit ang masama'y ipagtatabuyan.
10 Hindi magtatagal, sila'y mapaparam,kahit hanapin mo'y di masusumpungan.
11 Tatamuhin ng mga mapagpakumbabá, ang lupang pangako na kanyang pamana;at sa lupang iyon na napakasagana, ang kapayapaa'y matatanggap nila.