1 Yahweh, huwag mo po akong kagalitan!O kung galit ka ma'y huwag pong parusahan.
2 Ang iyong palaso'y tumama sa akin;at iyong mga kamay, hinampas sa akin.
3 Ako'y nilalagnat dahil sa iyong galit;dahil sa sala ko ako'y nagkasakit.
4 Ako'y nalulunod sa taglay kong sala, sa dinami-rami ay para nang baha;mabigat na lubha itong aking dala.