5 Malabis ang paglala nitong aking sugat,dahil ginawa ko ang hindi nararapat;
6 Wasak at kuba na ang aking katawan;sa buong maghapo'y puspos ng kalungkutan.
7 Dumapong lagnat ko'y apoy na sa init,lumulubhang lalo ang taglay kong sakit.
8 Ako'y nanghihina at nanlulupaypay,puso'y dumaraing sa sakit na taglay.
9 O Yahweh, hangad ko'y iyong nababatid;ang mga daing ko'y iyong dinirinig.
10 Ang aking puso ay mabilis ang tibok, ang taglay kong lakas, pumapanaw na halos;ningning ng mata ko'y pawa nang naubos.
11 Mga kaibiga't mga kapitbahay ay nagsisilayo, ayaw nang dumalawdahil sa sugat ko sa aking katawan;lumalayo pati aking sambahayan.