1 Sa Diyos na si Yahweh, mat'yagang naghintay,ang aking panaghoy, kanyang pinakinggan;
2 sa balong malalim na lubhang maputik,iniahon niya at doo'y inalis.Ligtas na dinala sa malaking bato,at naging panatag, taglay na buhay ko.
3 Isang bagong awit, sa aki'y itinuro,papuri sa Diyos, ang awit ng puso;matatakot ang bawat makakasaksi,at magtitiwala sa Diyos na si Yahweh.
4 Mapalad ang taong, kay Yahweh'y tiwala,at sa diyus-diyosa'y hindi dumadapa;hindi sumasama sa nananambahan, sa mga nagkalat na diyus-diyosan.
5 Yahweh aking Diyos, wala kang katuladsa maraming bagay na iyong ginanap;kung pangahasan kong sabihin ang lahat,nangangamba akong may makalimutan.