13 Nawa ay kalugdan, na ako'y tulungan! Yahweh, ngayon na, ako'y pakinggan.
14 Nawa ang may hangad na ako'y patayin,bayaang malito't ganap na talunin.Yaong nagagalak sa suliranin ko,hiyain mo sila't bayaang malito!
15 Silang nangungutya sa aki'y bayaangmanlumo nang labis, nang di magtagumpay!
16 Silang lumalapit sa iyo'y dulutanng ligaya't galak na walang kapantay;bayaang sabihing: “Si Yahweh ay Dakila!”ng nangaghahangad maligtas na kusa.
17 Ako ma'y mahirap at maraming kailangan,subalit hindi mo kinalilimutan.Ikaw ang tulong ko, at tagapagligtas—Yahweh aking Diyos, huwag ka nang magtagal!