1 Mapalad ang isang taong tumutulong sa mahirap,si Yahweh ang kakalinga kung siya nama'y mabagabag.
2 Buhay niya'y iingatan, si Yahweh lang ang may hawak,sa kamay man ng kaaway, hindi siya masasadlak,at doon sa bayan niya'y ituturing na mapalad.
3 Si Yahweh rin ang tutulong kung siya ay magkasakit,ang nanghina niyang lakas ay ganap na ibabalik.
4 Ang pahayag ko kay Yahweh, “Tunay akong nagkasala,iyo akong pagalingin, sa akin ay mahabag ka!”