5 Yaong mga kaaway ko, ang palaging binabadya,“Kailan ka mamamatay, ganap na mawawala?”
6 Yaong mga dumadalaw sa akin ay hindi tapat;ang balitang masasama ang palaging sinasagap,at saan ma'y sinasabi upang ako ay mawasak.
7 Ang lahat ng namumuhi'y ang lagi nilang usapan,ako raw ay ubod sama, ang panabi sa bulungan.
8 Ang sakit ko, sabi nila, ay wala nang kagamutan,hindi na makakabangon sa banig ng karamdaman.
9 Lubos akong nagtiwala sa tapat kong kaibigankasalo ko sa tuwina karamay sa anuman;ngunit ngayon, lubos siyang naging taksil na kalaban.
10 Sa akin ay mahabag ka, Yahweh, ako'y kaawaan;ibalik mo ang lakas ko't kaaway ko'y babalingan.
11 Kung ikaw ay nalulugod, ganito ko malalaman,sa aki'y di magwawagi kahit sino ang kaaway.