4 Ang pansin ko ay itutuon sa bugtong na kasabihan,sa saliw ng aking alpa'y ihahayag ko ang laman.
5 Hindi ako natatakot sa panahon ng panganib,kahit pa nga naglipana ang kaaway sa paligid—
6 mga taong naghahambog, sa yaman ay nananalig,dahilan sa yaman nila'y tumaas ang pag-iisip.
7 Hindi kaya ng sinumang ang sarili ay matubos,hindi kayang mabayara't tubusin sa kamay ng Diyos.
8 Ang bayad sa kanyang buhay ay halagang sakdal taas;gaano man ang halagang hawak niya'y hindi sapat
9 upang siya ay mabuhay nang hindi na magwawakasat sa labi ng libingan ay hindi na mapasadlak.
10 Alam naman niyang lahat ay mamamatay,kasama ang marunong, maging mangmang o hangal;sa lahing magmamana, yaman nila'y maiiwan.