3 Iyang masasama sa mula't mula pa,mula sa pagsilang ay sinungaling na.
4 Sila'y makamandag, ahas ang kaparis,katulad ay kobrang ang tainga ay may takip;
5 itong mga tawak at salamangkero,di niya dinirinig, hindi pansin ito.
6 Bungiin ang ngipin nila, O Panginoon,alisin ang pangil niyong mga leon.
7 Itapon mo silang katulad ng tubig,sa daa'y duruging parang mga yagit.
8 Parang mga susô, sa dumi magwakas,batang di nabuhay sa sangmaliwanag.
9 Puputulin silang hindi nila batid,itatapon ng Diyos sa tindi ng galit;bagaman buháy pa'y iyon na ang sinapit.