7 Itapon mo silang katulad ng tubig,sa daa'y duruging parang mga yagit.
8 Parang mga susô, sa dumi magwakas,batang di nabuhay sa sangmaliwanag.
9 Puputulin silang hindi nila batid,itatapon ng Diyos sa tindi ng galit;bagaman buháy pa'y iyon na ang sinapit.
10 Ang mga matuwid nama'y magagalak kung ang masasama'y parusahang ganap;pagkakita nila sa dugong dumanak, hindi mangingiming doon na tumahak.
11 Saka sasabihin ng mga nilalang, “Ang mga matuwid ay gantimpalaan;tunay ngang may Diyos, na hukom ng lahat!”