1 O Diyos, ang hibik ko, ang aking dalangin sana ay pakinggan,sa pagkaligalig dahil sa kaaway, huwag akong hayaan;
2 ipagtanggol ako sa mga pakana't lihim na sabwatan,niyong mga pangkat na ang binabalak pawang kasamaan.
3 Ang kanilang dila'y katulad ng tabak na napakatalas,tulad ng palasong iniaasinta kung sila'y mangusap.
4 Sa kublihan nila, sila'y nag-aabang sa mabuting tao,at walang awa nilang tinutudla sa pagdaan nito.
5 Sa gawang masama ay nagsasabwatan, nag-uusap sila,kung saan dadalhin ang patibong nilang di dapat makita.