4 Sa lahat ng masasama, O Diyos, ako'y ipaglaban,sa kuko ng mababagsik, huwag mo akong pabayaan.
5 Panginoon, sa iyo ko inilagak ang pag-asa,maliit pang bata ako, sa iyo'y may tiwala na.
6 Sa simula at mula pa wala akong inasahangsa akin ay mag-iingat, kundi tanging ikaw lamang;kaya naman ikaw, Yahweh, pupurihin araw-araw.
7 Sa marami ang buhay ko ay buhay na mahiwaga,malakas kang katulong ko na di nila maunawa;
8 kaya ako'y nagpupuri, nagpupuri buong araw,akin ngayong ihahayag ang taglay mong karangalan.
9 Ngayong ako'y matanda na huwag mo akong pabayaan,katawan ko'y mahina na kaya ako'y huwag iiwan.
10 Ang lahat ng kaaway ko, nais ako ay patayin,ang palaging balak nila ay ako ang kalabanin.