3 Ang lupain nawa niya'y umunlad at managana;maghari ang katarungan sa lupain nitong bansa.
4 Maging tapat itong hari sa paghatol sa mahirap,mga nangangailangan, pag-ukulan ng paglingap;at ang nang-aapi ay lupigin at ibagsak.
5 Nawa sila ay maglingkod, silang lahat mong hinirang,hangga't araw sumisikat, hangga't buwa'y sumisilang.
6 Ang hari sana'y matulad sa ulan ng kaparangan;bumubuhos, dumidilig sa lahat ng nabubuhay.
7 At ang buhay na matuwid sa kanyang kapanahunan,maghari sa bansa niya't umunlad kailanpaman.
8 Nawa kanyang kaharian ay lubusan ngang lumawak,mula sa Ilog Eufrates, sa daigdig ay kakalat.
9 Sa harap niya ay susuko mga taong nasa ilang;isubsob nga sa lupa, lahat ng kanyang kaaway.