3 Sa taong mayabang, ako'y naiinggit nga,at sa biglang yaman ng mga masama.
4 Ni hindi nagdanas ng anumang hirap,sila'y masisigla't katawa'y malakas.
5 Di tulad ng ibang naghirap nang labis,di nila dinanas ang buhay na gipit.
6 Ang pagmamalaki ay kinukuwintas,at ang dinaramit nila'y pandarahas.
7 Ang tibok ng puso'y pawang kasamaan,at masasama rin ang nasa isipan;
8 mga ibang tao'y pinagtatawanan, ang yayabang nila,ang layon sa buhay ay ang pang-aapi sa kapwa nilalang.
9 Diyos mang nasa langit ay tinutungayaw,labis kung mag-utos sa mga nilalang;