5 Di tulad ng ibang naghirap nang labis,di nila dinanas ang buhay na gipit.
6 Ang pagmamalaki ay kinukuwintas,at ang dinaramit nila'y pandarahas.
7 Ang tibok ng puso'y pawang kasamaan,at masasama rin ang nasa isipan;
8 mga ibang tao'y pinagtatawanan, ang yayabang nila,ang layon sa buhay ay ang pang-aapi sa kapwa nilalang.
9 Diyos mang nasa langit ay tinutungayaw,labis kung mag-utos sa mga nilalang;
10 kaya sumusunod pati lingkod ng Diyos,anumang sabihi'y paniwalang lubos.
11 Ang sabi, “Ang Diyos walang nalalaman,walang malay yaong Kataas-taasan.”