1 Ang Diyos ang namumuno ng pulong sa kalangitan,sa pulong ng mga diyos, ganito ang kapasyahan:
2 “Dapat ninyong itigil na, paghatol na hindi tama,tumigil na ng paghatol na panig sa masasama. (Selah)
3 Bigyan ninyong katarungan ang mahina at ulila,at huwag ninyong aapihin ang mahirap at may dusa.
4 Ang marapat na tulunga'y ang mahina at mahirap, sa kamay ng masasama sila'y dapat na iligtas!
5 “Anong pagkamangmang ninyo, wala kayong nalalaman!Sa gitna ng kadilima'y doon kayo nananahan,sa ibabaw ng daigdig ay wala nang katarungan.
6 Ang sabi ko, kayo'y diyos, anak ng Kataas-taasan,
7 ngunit tulad nitong tao, lahat kayo'y mamamatay;katulad din ng prinsipe, papanaw ang inyong buhay.”