1 Huwag kang manahimik, O Diyos, huwag kang magpabaya, ikaw ay kumilos.
2 Hayun! Ang kaaway nagsisipag-alsa,at ang namumuhi'y kinakalaban ka.
3 Sila'y nagbabalak laban sa hinirang,laban sa lahat ng iyong iningatan.
4 Ganito ang sabi, “Ating papawiin, ang kanilang bansa'y ating lilipulin;upang ang Israel, malimutan na rin!”
5 Nagkakaisang lahat, sila ay nagplano,kanilang pasya ay lumaban sa iyo.
6 Ang lahi ni Edom at ang Ismaelita,Moab at Agarenos lahat nagkaisa.
7 Ang Gebal at Ammon gayon din ang pasya,Amalek at Tiro at ang Filistia.