1 Sa aking dalangin, ako'y iyong dinggin,tugunin mo, Yahweh, ang aking pagdaing;ako'y mahina na't wala nang tumingin.
2 Pagkat tapat sa iyo, buhay ko'y ingatan,lingkod mo'y iligtas sa kapahamakan pagkat may tiwala sa iyo kailanman.
3 Ikaw ang aking Diyos, ako'y kahabagan,sa buong maghapo'y siyang tinatawagan.
4 Panginoon, lingkod mo'y dulutan ng galak,pagkat sa iyo kaluluwa'y tumatawag.