2 Pagkat tapat sa iyo, buhay ko'y ingatan,lingkod mo'y iligtas sa kapahamakan pagkat may tiwala sa iyo kailanman.
3 Ikaw ang aking Diyos, ako'y kahabagan,sa buong maghapo'y siyang tinatawagan.
4 Panginoon, lingkod mo'y dulutan ng galak,pagkat sa iyo kaluluwa'y tumatawag.
5 Mapagpatawad ka at napakabuti;sa dumadalangin at sa nagsisisi,ang iyong pag-ibig ay mananatili.
6 Pakinggan mo, Yahweh, ang aking dalangin,tulungan mo na po, ako'y iyong dinggin.
7 Dumaraing ako kapag mayro'ng bagabag,iyong tinutugon ang aking pagtawag.
8 Sa sinumang diyos wala kang kawangis,sa iyong gawai'y walang makaparis.