1 Yahweh, aking Diyos, tanging ikaw lamang, aking kaligtasan,pagsapit ng gabi, dumudulog ako sa iyong harapan.
2 Ako ay dinggin mo, sa pagdalangin ko ako ay pakinggan,sa aking pagdaing ako ay tulungan.
3 Ang kaluluwa ko ay nababahala't puspos ng problema.Dahilan sa hirap pakiwari'y buhay ko'y umiiksi na.
4 Ibinilang ako, niyong malapit nang sa hukay ilagak,ang aking katulad ay mahina na't ubos na ang lakas.