9 Dahilan sa lungkot, ang aking paningi'y waring lumalamlam,kaya naman, Yahweh, tumatawag ako sa iyo araw-araw,sa pagdalangin ko ay taas ang kamay.
10 Makakagawa ba ikaw, Panginoon, ng kababalaghan,para purihin ka niyong mga patay? (Selah)
11 Ang pag-ibig mo ba doon sa libinga'y ipinapahayag,o sa kaharian niyong mga patay ang iyong pagtatapat?
12 Doon ba sa dilim ang dakilang gawa mo ba'y makikita,o iyong kabutihan, sa mga lupaing tila nalimot na?
13 Sa iyo, O Yahweh, ako'y nananangis at nananawagan,sa tuwing umaga ako'y tumatawag sa iyong harapan.
14 Di mo ako pansin, Yahweh, aking Diyos, di ka kumikibo.Bakit ang mukha mo'y ikinukubli mo, ika'y nagtatago?
15 Mula pagkabata ako'y nagtiis na, halos ikamatay;ang iyong parusa'y siyang nagpahina sa aking katawan.