8 Pinapamahalaan niya ang daigdig ayon sa katuwiran,hinahatulan niya ang mga bansa ayon sa katarungan.
9 Si Yahweh ang takbuhan ng mga pinahihirapan,matibay na kanlungan sa oras ng kaguluhan.
10 Nananalig sa iyo Yahweh, ang kumikilala sa iyong pangalan,dahil wala pang lumapit sa iyo na iyong tinanggihan.
11 Kay Yahweh na hari ng Zion ay umawit tayo ng papuri,sa lahat ng bansa ang ginawa niya'y ipagbunyi!
12 Inaalala ng Diyos ang mga nahihirapan,mga karaingan nila'y di niya nakakalimutan.
13 O Yahweh, ako sana'y iyong kahabagan,masdan ang pahirap na dinaranas ko mula sa kaaway!Iligtas mo ako sa bingit ng kamatayan,
14 upang sa harapan ng Lunsod ng Zion, aking isalaysay.Dahil sa iyong pagliligtas, papuri ko'y ibibigay.