5 Mga tao'y pumapanaw na para mong winawalis,parang damo sa umagang tumubo sa panaginip.
6 Parang damong tumutubo, may taglay na bulaklak,kung gumabi'y nalalanta't bulaklak ay nalalagas.
7 Sa tindi ng iyong galit, para kaming nauupos,sa simbuyo ng galit mo'y lubos kaming natatakot.
8 Aming mga kasalanan, sa harap mo'y nahahayag,mga sala naming lihim ay kita mo sa liwanag.
9 Sa kamay mo'y nagwawakas itong hiram naming buhay,parang bulong lamang ito na basta lang dumaraan.
10 Buhay nami'y umaabot ng pitumpung taóng singkad,minsan nama'y walumpu, kung kami'y malakas;ngunit buong buhay namin ay puno ng dusa't hirap,pumapanaw pagkatapos, dito sa sangmaliwanag.
11 Ang tindi ng iyong galit sino kaya ang tatarok?Sino kaya ang susukat niyong ibubungang takot?