1 Siyang naghahangad ng pagkupkop ng Kataas-taasan,at nananatili sa pagkalinga ng Makapangyarihan,
2 ay makakapagsabi kay Yahweh:“Muog ka't kanlungan,ikaw ang aking Diyos, ang Diyos na tangi kong pinagtiwalaan.”
3 Sa panganib at bitag ika'y kanyang ililigtas,at kahit ano mang matinding salot ay di ka magdaranas.
4 Lulukuban ka niya sa lilim ng kanyang malapad na pakpak,at sa kalinga niya ay palagi ka ngang nakakatiyak;iingatan niya't ipagsasanggalang, pagkat siya'y matapat.
5 Pagsapit ng gabi, di ka matatakot sa anumang bagay,maging sa gagawing biglaang paglusob ng mga kaaway.