1 Si Yahweh ay naghahari, na ang suot sa katawanay damit na maharlika at puspos ng kalakasan.Matatag na itinayo ang sandigan ng daigdig,kahit ano ang gawin pa'y hindi ito mayayanig.
2 Ang trono mo ay matatag simula pa noong una,bago pa ang kasaysayan, ika'y likas na naro'n na.
3 Tumataas nga, O Yahweh, ang tubig ng mga ilog,lumalakas ang lagaslas habang sila'y umaagos;maingay na mga alon katulad ay pagkalabog.
4 Parang tubig na marami, ang buhos ay parang kulog,malakas pa kaysa alon ng dagat na mayro'ng unos;higit pa sa mga ito si Yahweh na dakilang Diyos.