3 Sapagkat si Yahweh,siya ay dakila't makapangyarihang Diyos,ang dakilang Haringhigit pa sa sinuman na dinidiyos.
4 Nasa kanyang paladang buong daigdig, pati kalaliman;ang lahat ay kanyamaging ang mataas nating kabundukan.
5 Kanya rin ang dagatat pati ang lupa na kanyang nilalang.
6 Tayo na't lumapit,sa kanya'y sumamba at magbigay-galang,lumuhod sa harapni Yahweh na siyang sa ati'y may lalang.
7 Siya ang ating Diyos,at tayo ang bayan sa kanyang pastulan,mga tupang kanyang inaalagaan.At ngayon kanyang salita'y ating pakinggan:
8 “Iyang inyong puso'yhuwag patigasin, tulad ng ginawang inyong magulangnang nasa Meriba, sa ilang ng Masah.
9 Ako ay tinukso'tdoon ay sinubok ng inyong magulang,bagama't nakitaang aking ginawang sila'ng nakinabang.