1 Si Yahweh ay naghahari, magalak ang buong mundo!Magsaya nama't magdiwang, lahat kayong mga pulo!
2 Ang paligid niya'y ulap na puno ng kadiliman,kaharian niya'y matuwid at salig sa katarungan.
3 Sa unahan niya'y apoy, patuloy na nag-aalab,sinusunog ang kaaway sa matindi nitong ningas.
4 Yaong mga kidlat niyang tumatanglaw sa daigdig,kapag iyon ay namasdan, ang lahat ay nanginginig.
5 Itong mga kabundukan ay madaling nalulusaw,sa presensya ni Yahweh, Diyos ng sandaigdigan.
6 Sa langit ay nahahayag nga ang kanyang katuwiran,sa lupa ay makikita ang kanyang kadakilaan.