Tobit 1:22 MBB05

22 Dahil kay Ahikar, nakabalik ako sa Nineve. Noon pa mang buhay si Haring Senaquerib ng Asiria, si Ahikar ay naglilingkod na sa palasyo bilang tagapaghanda ng inumin ng hari, tagapag-ingat ng pantatak, tagapamahala at ingat-yaman pa. Ang mga tungkulin ding nabanggit ang ipinagkatiwala sa kanya ng bagong hari. Dahil sa pamangkin ko si Ahikar, pinuri niya ako sa hari kaya't pinayagan ako ng hari na makabalik sa Nineve.

Basahin ang kumpletong kabanata Tobit 1

Tingnan Tobit 1:22 sa konteksto