1 Noong panahon ng paghahari ni Esarhadon, bumalik ako sa aking tahanan sa piling ng aking asawang si Ana at anak na si Tobias. At nang ipagdiwang ang Pentecostes, ang Pista ng Pitong Linggo, hinandugan nila ako ng isang masarap na salu-salo.
2 Matapos ihain ang masasarap na pagkain sa hapag, tinawag ko ang aking anak na si Tobias. “Anak,” ang sabi ko, “Humanap ka rito sa Nineve ng kahit sinong dukhang kababayan nating tapat sa Panginoon. Dalhin mo siya rito at nang makasalo ko. Dalian mo. Hihintayin kita.”
3 Lumabas nga si Tobias upang humanap ng makakasalo ko. Ngunit bumalik ito agad na sumisigaw, “Tatay! Tatay!”“Bakit? Anong nangyari, anak?” ang tanong ko.“May kababayan tayong binigti at itinapon sa palengke,” sagot niya.
4 Dahil sa narinig ko'y hindi na ako nakakain; halos patakbong iniwan ko ang hapag, pinuntahan ang bangkay, at dinala ko sa isang kubling pook upang ilibing paglubog ng araw.