1 Matapos mag-usap, lumakad na sina Tobias at Rafael. Pagpasok nila sa Ecbatana, sinabi ni Tobias, “Azarias, samahan mo na ako sa kamag-anak kong si Raguel.”Nagtuloy nga ang dalawa at naratnan nila si Raguel sa may pintuan ng kanyang bulwagan. Una silang bumati at nagbigay-galang. Tinugon naman sila agad ni Raguel at ang sabi, “Maligayang pagdating, mga kapatid; tuloy kayo!” Dinala agad ni Raguel ang dalawa sa bahay
2 at ipinakilala sa kanyang asawang si Edna. Ang sabi niya kay Edna, “Ang binatang ito ay kamukhang-kamukha ng pinsan kong si Tobit!”
3 Tinanong sila ni Edna, “Tagasaan ba kayo, mga kapatid?”Sila'y tumugon, “Kami po'y buhat sa lipi ni Neftali, mga dinalang-bihag sa Nineve.”
4 “Kung gayo'y kilala ninyo ang kamag-anak naming si Tobit,” sabi ni Edna.“Aba, Opo!” tugon ng dalawa. “O, kumusta naman siya?” nananabik na tanong ni Edna.