1 Minsan, nanalangin si Jesus sa isang lugar. Nang siya'y matapos, sinabi ng isa sa kanyang mga alagad, “Panginoon, turuan nga po ninyo kaming manalangin, tulad ng ginawa ni Juan sa kanyang mga alagad.”
2 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Kung kayo'y mananalangin, sabihin ninyo,‘Ama, sambahin nawa ang iyong pangalan.Nawa'y maghari ka sa amin.
3 Bigyan mo kami ng aming kakainin sa araw-araw.
4 At patawarin mo kami sa aming mga kasalanan, sapagkat pinapatawad namin ang bawat nagkakasala sa amin.At huwag mo kaming hayaang matukso.’”
5 Sinabi pa rin niya sa kanila, “Ipalagay nating isang hatinggabi, isa sa inyo'y nagpunta sa isa ninyong kaibigan at nakiusap, ‘Kaibigan, bigyan mo muna ako ng tatlong tinapay.
6 Dumating kasi ang isa kong kaibigang naglalakbay at wala akong maihain sa kanya!’