47 “Ang aliping nakakaalam ng kalooban ng kanyang panginoon ngunit nagpapabaya, o ayaw tumupad sa ipinapagawa nito ay paparusahan nang mabigat.
48 Ngunit ang aliping hindi nakakaalam ng kalooban ng kanyang panginoon, magkulang man siya sa kanyang tungkulin, ay paparusahan lamang nang magaan. Ang binigyan ng maraming bagay ay hahanapan ng maraming bagay; at ang pinagkatiwalaan ng lalong maraming bagay ay pananagutin ng lalong maraming bagay.”
49 “Naparito ako upang magdala ng apoy sa lupa at sana'y nagliliyab na ito!
50 May isang bautismo na dapat kong danasin, at ako'y nababagabag hangga't hindi ito nagaganap.
51 Akala ba ninyo'y naparito ako upang magdala ng kapayapaan sa lupa? Sinasabi ko sa inyo, hindi kapayapaan ang dala ko kundi pagkabaha-bahagi.
52 Mula ngayon, ang lima sa isang sambahayan ay mahahati, tatlo laban sa dalawa at dalawa laban sa tatlo.
53 Ang ama laban sa anak na lalaki,at ang anak na lalaki laban sa ama;ang ina laban sa anak na babae,at ang anak na babae laban sa ina;ang biyenang babae laban sa manugang na babae,at ang manugang na babae laban sa biyenang babae.”