20 Sinabi pa ni Jesus, “Saan ko ihahambing ang paghahari ng Diyos?
21 Ito ay katulad ng pampaalsa na inihalo ng isang babae sa tatlong bakol na harina, kaya't umaalsa ang buong masa.”
22 Nagpatuloy si Jesus sa kanyang paglalakbay, at siya'y nagtuturo sa bawat bayan at nayon na kanyang dinaraanan papuntang Jerusalem.
23 Minsan may nagtanong sa kanya, “Ginoo, kakaunti po ba ang maliligtas?”Sinabi niya sa kanila,
24 “Pagsikapan ninyong makapasok sa makipot na pintuan. Sinasabi ko sa inyo, marami ang magpupumilit pumasok ngunit hindi makakapasok.
25 Kapag ang pinto ay isinara na ng pinuno ng sambahayan, magtitiis kayong nakatayo sa labas at katok nang katok. Sasabihin ninyo, ‘Panginoon, papasukin po ninyo kami.’ Ngunit sasabihin niya sa inyo, ‘Hindi ko kayo kilala!’
26 Sasabihin naman ninyo, ‘Kumain po kami at uminom na kasalo ninyo, at nagturo pa kayo sa aming mga lansangan.’