1 Nang panahong iyon, iniutos ni Emperador Augusto na magkaroon ng sensus sa lahat ng nasasakupan ng Imperyo ng Roma.
2 Ang unang sensus na ito ay ginawa nang si Cirenio ang gobernador ng Siria.
3 Kaya't umuwi ang bawat isa sa sari-sariling bayan upang magpatala.
4 Mula sa Nazaret, isang lunsod sa Galilea, si Jose ay pumunta sa Judea, sa Bethlehem na bayang sinilangan ni Haring David, sapagkat siya'y mula sa angkan ni David.
5 Kasama niyang umuwi upang magpatala rin si Maria na kanyang magiging asawa, na noon ay kabuwanan na.
6 Habang sila'y nasa Bethlehem, sumapit ang oras ng panganganak ni Maria.