10 Nang dumating ang panahon ng pitasan ng ubas, pinapunta niya sa ubasan ang isa niyang alipin upang kunin ang kanyang kaparte. Ngunit binugbog ng mga katiwala ang alipin at pinauwing walang dala.
11 Nagsugo siyang muli ng isa pang alipin at ito rin ay binugbog, hinamak at pinauwing walang dala.
12 Nagsugo pa siya ng ikatlo, subalit sinugatan din ito at ipinagtabuyan.
13 Napag-isip-isip ng may-ari ng ubasan, ‘Ano kaya ang mabuti kong gawin? Mabuti pa yata'y ang minamahal kong anak ang papupuntahin ko. Tiyak na siya'y igagalang nila.’
14 Ngunit nang makita ng mga katiwala ang anak ng may-ari ng ubasan, nag-usap-usap sila at ang sabi, ‘Ito ang tagapagmana. Patayin natin siya at nang mapasaatin ang kanyang mamanahin.’
15 Siya'y inilabas nga nila sa ubasan at pinatay.“Ano kaya ang gagawin sa kanila ng may-ari ng ubasan?” tanong ni Jesus.
16 “Pupunta siya roon at papatayin ang mga katiwalang iyon, at ipagkakatiwala niya sa iba ang ubasan.”Pagkarinig nito, sinabi ng mga tao, “Huwag nawa itong ipahintulot ng Diyos!”