27 Sa panahong iyon, makikita nila ang Anak ng Taong dumarating na nasa alapaap, at may kapangyarihan at dakilang karangalan.
28 Kapag nagsimula nang mangyari ang mga ito, magalak kayo sapagkat malapit na ang inyong katubusan.”
29 At sinabi sa kanila ni Jesus ang isang talinhaga, “Tingnan ninyo ang puno ng igos at iba pang punongkahoy.
30 Kapag nagkakadahon na ito, alam ninyong malapit na ang tag-araw.
31 Gayundin naman, kapag nakita ninyong nangyayari na ang mga sinabi ko, malalaman ninyong malapit na ang paghahari ng Diyos.
32 Tandaan ninyo: magaganap ang lahat ng ito bago mamatay ang lahat ng taong nabubuhay sa salinlahing ito.
33 Lilipas ang langit at ang lupa, ngunit ang aking mga salita ay mananatili magpakailanman.”