29 At sinabi sa kanila ni Jesus ang isang talinhaga, “Tingnan ninyo ang puno ng igos at iba pang punongkahoy.
30 Kapag nagkakadahon na ito, alam ninyong malapit na ang tag-araw.
31 Gayundin naman, kapag nakita ninyong nangyayari na ang mga sinabi ko, malalaman ninyong malapit na ang paghahari ng Diyos.
32 Tandaan ninyo: magaganap ang lahat ng ito bago mamatay ang lahat ng taong nabubuhay sa salinlahing ito.
33 Lilipas ang langit at ang lupa, ngunit ang aking mga salita ay mananatili magpakailanman.”
34 “Ang katakawan, paglalasing at kabalisahan sa buhay na ito ay alisin ninyo sa inyong isip. Mag-ingat kayo at baka bigla kayong abutan ng Araw na iyon
35 na tulad ng isang bitag. Sapagkat darating ang Araw na iyon sa lahat ng tao.