35 na tulad ng isang bitag. Sapagkat darating ang Araw na iyon sa lahat ng tao.
36 Kaya't maging handa kayo sa lahat ng oras. Lagi ninyong idalangin na magkaroon kayo ng kalakasan upang makaligtas sa lahat ng mangyayaring ito, at makaharap kayo sa Anak ng Tao.”
37 Araw-araw, si Jesus ay nagtuturo sa Templo. Kung gabi nama'y umaalis siya at nagpapalipas ng magdamag sa Bundok ng mga Olibo.
38 Maaga pa'y pumupunta na sa Templo ang mga tao upang makinig sa kanya.