60 Ngunit sumagot si Pedro, “Ginoo, hindi ko nalalaman ang sinasabi ninyo!”Nagsasalita pa siya nang biglang may tumilaok na manok.
61 Lumingon ang Panginoon at tumingin kay Pedro, at naalala ni Pedro ang sinabi ng Panginoon, “Bago tumilaok ang manok sa araw na ito ay tatlong beses mo akong ikakaila.”
62 Lumabas si Pedro at umiyak nang buong pait.
63 Samantala, si Jesus ay kinukutya at binubugbog ng mga nagbabantay sa kanya.
64 Siya'y piniringan nila at tinatanong, “Hulaan mo nga kung sino ang sumuntok sa iyo!”
65 Marami pang panlalait ang ginawa nila sa kanya.
66 Kinaumagahan ay nagkatipon ang Sanedrin na binubuo ng mga pinuno ng bayan, mga punong pari at mga tagapagturo ng Kautusan. Iniharap sa kanila si Jesus at siya'y kanilang tinanong,