1 Madilim-dilim pa nang unang araw ng sanlinggo, ang mga babae ay nagbalik sa libingan, dala ang mga pabangong inihanda nila.
2 Nang dumating sila doon, nakita nilang naigulong na ang batong nakatakip sa libingan.
3 Ngunit nang pumasok sila, wala roon ang bangkay ng Panginoong Jesus.
4 Natigilan sila at nagtaka kung ano ang nangyari. Biglang lumitaw sa tabi nila ang dalawang lalaking nakakasilaw ang damit.
5 Dahil sa matinding takot, sila'y nagpatirapa. Tinanong sila ng mga lalaki, “Bakit ninyo hinahanap ang buháy sa lugar ng mga patay?