13 Nang araw ding iyon, may dalawang alagad na naglalakad papuntang Emaus, isang nayong may labing-isang kilometro ang layo mula sa Jerusalem.
14 Pinag-uusapan nila ang mga pangyayari.
15 Habang sila'y nag-uusap, lumapit si Jesus at nakisabay sa kanila,
16 ngunit siya'y hindi nila nakilala na para bang natatakpan ang kanilang mga mata.
17 Tinanong sila ni Jesus, “Ano ba ang pinag-uusapan ninyo?”Tumigil silang nalulumbay, at
18 sinabi ni Cleopas, “Ikaw lamang yata ang dayuhan sa Jerusalem na hindi nakakaalam sa mga pangyayaring katatapos lamang maganap doon.”
19 “Anong pangyayari?” tanong niya.Sumagot sila, “Tungkol kay Jesus na taga-Nazaret, isang propetang makapangyarihan sa salita at gawa maging sa harap ng Diyos at ng mga tao.